Tuesday, August 17, 2010

Lahat ng bagay may dahilan.

Mula sa kulay ng suot ko ngayon, sa pag-MRT ko pagpasok sa office, sa pagkain ko ng tinapay kesa sinangag kaninang umaga. Lahat yun may dahilan.

Hindi pwedeng wala lang. Pero pwedeng trip mo lang. Kasi dahilan din naman yun, trip mo eh. Yun ang dahilan. Basta wag lang, "WALA LANG".

Dahilan para umalis.
Dahilan para mag-stay.
Dahilan para maging masaya.
Dahilan para malungkot.
Dahilan para mapagod.
Dahilan para magrelax.

Bakit ko pa to bina-blog? Anung dahilan?

Kasi nawawalan na ako ng dahilan kaya ginagawa ko to. Baka sakaling pagtinype ko yung nasa utak ko biglang may lalabas na idea para maging dahilan ko.

Pwede bang manghiram ng dahilan? Pwede bang makishare ng dahilan?

Minsan kasi, meron namang dahilan. Iba nga lang yung direksyon na tinuturo ng dahilan mo. Nagreresist ka kasi nga ayaw mo sa direksyon na yun o sa tingin mo hindi pa dapat yun ang mapuntahan mo.

Hindi na yun dahilan. NAGDADAHILAN ka na non.
Nagdadahilan na nga lang ako ngayon.

No comments:

Post a Comment