Tuesday, August 24, 2010

KAYO NA PO ANG BAHALA. *AMEN*

Bago maganap ang isang madugong komprontasyon, gustong kong i-document ang nararamdaman ko ngaun.

Honestly, wala pang malinaw na picture. Pero sa mahigit isang taon, alam ko na kung anung papupuntahan ng usapan hndi lang ng isa kundi ng dalawang tao, dalawang magkaibang tao, 1 desisyon.

Una kong gustong gawin ngaun ay umiyak, umiyak ng major major!!!! Umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong maramdaman. As in wala. Negative. Yung tipong mas masakit yung mata ko kesa sa nararamdaman kong panghihinayang, galit, pagod, kawalan ng pagasa at lahat ng mga masalimuot kong nararamdaman.

Parang awa nyo na, LAYUAN NYO AKO!!!! TANTANAN NYO AKO!!!!!

Sunod na gusto kong gawin ay kainin ng lupa for 1 week hanggang sa humupa ang problema. Malayo sa stress. malayong malayo sa mga problema. Malaya ako sa mga responsibilidad na hinihila ako papalapit sa problema.

Utang na loob. Mga bagay na pinaghirapan mong gawin, buoin at asikasuhin. Isang araw, mawawalang lahat. Hindi lang basta mawawala. Iiwanan ka ng matinding problema.

Iisipin mo na lang, PINAGHIRAPAN KO PA LANG GUMAWA NG PROBLEMA. AYOS.
Kung alam ko lang, hndi na sana ako nagpakahirap.

Gusto ko rin ngayong magpainject ng anesthesia. Please now na. Gusto kong maging MANHID!!!! Pleaseeeeeeee....

Gusto ko rin tumakbo pauwi sa bahay. MAMAAAAAAAAAA!!!



Pero higit sa lahat, gusto kong magdasal.
LORD KAYO NA PO ANG BAHALA. Kung anu;t anuman ang mangyari, alam ko pong hindi nyo ako pababayaan.

No comments:

Post a Comment